Pinag-aaralan na ng gobyerno ang planong pagkuha ng “Board Eligibles” upang tugunan ang malaking kakulangan ng mga nurse sa pampublikong ospital sa bansa.
Ayon sa Health Secretary Teodoro Herbosa, tinitignan na nila ang mga college graduates na hindi pa nakakapasa sa board exam at pwedeng ma-hire ng gobyerno kahit walang lisensya.
Aminado ang kalihim na nasasayang ang pinaghirapan ng mga aspiring nurse at napupunta nalang sa iba’t ibang career works gaya ng BPO industry, at tourism sector.
Sa pinaka huling datos ng DOH, 4,800 na mga nurse ang kailangan pa sa mga pampublikong ospital sa bansa.