Tinawag na isang “right move” ni Boxing Promoter Bob Arum ang naging desisyon ni Fighting Senator Manny Pacquiao na umatras sa nilulutong rematch laban sa Australian boxer na si Jeff Horn.
Ayon kay Arum, tama ang naging desisyon ni Pacman na hindi muna lumaban ngayong taon para mapagtuunan ang kanyang mga responsibilidad bilang mambabatas.
Binanggit naman ni Arum na sa susunod na taon na lamang muling lalaban si Pacquiao.
Matatandaang, umatras si Pacquiao sa nakatakdang rematch laban kay Horn dahil sa conflict sakanyang schedule.