Sinalakay ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation o NBI ang isang bodega na naglalaman ng mga mamahaling bag sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Customs Spokesman Ret. Col. Neil Anthony Estrella, nakatanggap sila ng intelligence report na ang nasabing warehouse ay iniimbakan ng pekeng imported bags at iba pang personal na gamit.
May posibilidad aniya na hindi ito nagbayad ng duties and taxes sa gobyerno.
Sinabi ni Estrella na posibleng umabot ng milyong piso ang halaga ng mga nasamsam nilang kontrabando.
By: Meann Tanbio / Aya Yupangco