Ipinatatapon na ng Bureau of Customs at Bureau of Animal Industry–Veterinary Quarantine Services ang mga food item na nag positibo sa African Swine Fever na nakuha sa Manila International Container Port.
Lumalabas sa laboratory testing na isinagawa na positibo sa ASF ang kargamento na pawang mga dumplings, pork chicken balls at roast chicken wings.
Dahil dito, iginiit ni BAI–VQS na ibaon ang naturang mga food products na disposal facility sa eco safe agro products sa Tondo, Manila kung saan ibabaon ito ng 25 talampakang lalim.
Matatandaang nasabat nuong Miyerkules ang kargamento na naka condign sa Dynamic M Internaitonal Trading Incorporated na dumating sa MICP mula sa China nuong December 11, 2019.