Nabigo ang BOC o Bureau of Customs na maabot ang target nitong koleksyon para sa unang anim na buwan ng taon.
Ayon sa Bureau of Customs Finance Service, target sana nilang makalikom ng 217.96 billion pesos na buwis para sa unang semestre ng taon, pero 212.16 billion pesos lamang na katumbas ng 97.4% ang kanilang nakolekta.
Tiniyak ng Customs na mas paghuhusayin pa nila ang kanilang koleksyon sa mga susunod na buwan.