Inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang makabagong customer assistance service para sa mas pinag-ibayong serbisyo sa publiko, mga negosyante gayon din sa iba pang reklamo o mungkahi ng mamamayan
Ang Customer Assistance and Response Service (CARES) ay nakatanggap ng 19,009 na tawag sa publiko simula Enero 2020 hanggang Enero 2021 kung kaya, pinag-ibayo ng customs ang mas makabagong pamamaraan
Sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mas ibayong serbisyo sa sambayanang Pilipino ang inilunsad nilang (CARES) program sa pamamagitan ng digital minds business process outsourcing service (BPO) na naka base sa naga city
Direkta na matutugunan ng Bureau of Customs ang lahat ng katanungan ng publiko sa kanilang transaksiyon sa Bureau Of Customs.
Ayon sa Multi Sectoral Governing Council ng Bureau Of Customs sa panahon ng pandemya marami sa mga mamayan ang hindi na kailangan pang mag tungo sa tanggapan ng customs “lahat ng kanilang katanungan, reklamo, mungkahi o anumang impormasyon na makaka tulong sa border protection and control ay agad na matatangap ng customs sa pinak mabilis na paraan” ayon kay Customs Commissioner Guerrero.
Inaasahan din na direktang matutugunan ng customs ang anumang katanungan sa lahat ng nagpadala o tatanggap ng balikbayan box o bagahe ng mga OFW at publiko.
Ikinagalak naman ni Chavel Rebagay, President at CEO ng digital minds bpo ang kanilang partnership sa Bureau Of Customs, “excited po kami na maka trabaho at maka tulong sa Bureau Of Customs, ang programa po namin ay isang modernong pamamaraan para sa mas pinag-ibayo na serbisyo sa mamamayang pilipino” ayon kay Charvel Rebagay, President / CEO digital minds BPO.
Dinagdag naman ni Nathan Kinsella , Chairman ng MSGC Communications Committee na Pilipinas ang nagbibigay ng world class BPO service sa buong mundo, kung kaya napapanahon na mapakinabangan ng sambayanang ang angking talento ng Pilipino, “ Pilipinos proficiency in English is truly world class sought by the entire BPO industries, so much that agencies like Bureau Of Customs and other government institutions can explore for the benefit of the Pilipino nation” pahayag ni Kinsella.
Ang programa ng Bureau Of Customs (CARES) ay maaring maabot ng publiko sa sumusunod na online format.
Hotline (02) 8705-6000
Email boc.cares@customs.gov.ph
Twitter @CustomsPH
Facebook Bureau of Customs PH