Magsasagawa ng joint investigation ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) kaugnay ng halos 12,000 kilo ng smuggled frozen meat mula China na narekober sa Navotas City.
Ayon kay Customs Spokesperson Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, kanila nang pinag-aaralan ang serial number ng container van na pinaglagyan ng kontrabando para matukoy ang entry point nito.
Gayundin aniya ang mga tauhan ng BOC na responsable pag-iinspeksyun ng nakalusot na kontrabando.
Magugunitang noong Miyerkules, naharang ng mga awtoridad ang isang container van na naglalaman ng umaabot sa 12,000 kilo ng mga frozen poultry products tulad ng black chicken, duck liver and peking duck nang walang kinauukulang dokumento.