Dapat magpatupad na ng cumpulsory PSI o Pre-Shipment Inspection ang Bureau of Customs upang matigil na ang importasyon sa mga kontrabando na naglalaman ng basura o kaya’y iligal na droga mula sa ibayong dagat.
Ayon iyan kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza nang kalampagin nito ang BOC upang magpatupad na ito ng mahigpit na pre-inspection sa mga dumarating na mga containers sa bansa.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag sa harap na rin ng pangamba na gawing tambakan ng basura ang Pilipinas lalo’t naghahanap na ngayon ang ibang mga bansa ng pagdadalhan ng kanilang basura.
Ilan aniya sa mga ito ani Atienza ay ang mga bansang mula sa North Amerika at Europa matapos ipagbawal ng China ang importason ng mga used plastics at mga recyclables mula sa nasabing mga kontinente.
Sa ilalim ng pre-shipment inspection, sinabi ni Atienza na susuriin at beberipikahin na ng third party surveyors ang shipment detailes ng isang container bago pa man ito makalabas sa country of origin.