Dumulog na ang Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) upang bantayan ang mga entry points ng Pilipinas kung saan posibleng ipinapasok ang frozen products mula sa China na mayroong African Swine Flu (ASF).
Ayon kay Customs Commission Vincent Philip Maronilla, hindi kaya ng BOC na tauhan ang lahat ng entry points ng Pilipinas.
Mayroon rin anyang posibilidad na sa mga pribadong daungan idinadaan ang mga smuggled na karne na may ASF.
Bukod po do’n, nakapag-purchase na rin po kami noong 2017 –2016 at 2017, ng mga pailan-ilan na watercraft para po ma-reactivate ‘yung water patrol unit namin na matagal na pong hindi nag-ooperate. Para at least po doon sa mga areas na kakayanin ng mga watercrafts na ‘to, ng mga speedboats na aming nabili, e, makatulong din po kami sa ating Philippine Coast Guard,” ani Maronilla.
Maliban sa paggamit ng backdoor, sinabi ni Maronilla na mayroon ring ibang modus ang mga smugglers.
Minsan ginagamitan pa ng night vision goggles, kumba ida-damp po nila, lalagay sa isang lalagyan na nagfo-flow sa dagat at ida-damp po ‘yon sa dagat, at habang nakafloat po ‘yon, may maliliit na lantsa na walang ilaw, naka-night vision goggles lang sila at kukunin ‘yung mga nakafloat na ‘yon para hindi po madetect sa gabi ‘yung mga ini-smuggle na mga produkto,” ani Maronilla. —sa panayam ng Ratsada Balita