Huli sa CCTV camera ang paglabag ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa safety protocols sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay BOC Spokesman Jet Maronilla, nakikita nila kung minsan na hindi inoobserba ng mga empleyado ang social distancing at hindi nito pagsusuot ng maayos ng face mask.
Kasalukuyang nasa 45 empleyado ng BOC ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa BOC-Port of NAIA.