Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na patuloy pang iniimbestigahan ng kanilang ahensya ang mga nakumpiskang asukal sa mga warehouse at pantalan.
Nabatid na sa apat na insidente, dalawa dito ang nasabat mula sa mga warehouse habang dalawa naman ang nakumpiska mula sa pantalan.
Ayon kay BOC Spokesperson Arnold Dela Torre, kasalukuyang bineberipika kung ligal o iligal ang suplay ng mga nasamsam na asukal sa mga bodega na nagkakahalaga ng halos 290 million pesos.
Sakaling mapatunayang iligal ang mga nakumpiskang suplay ng asukal, posibleng maharap sa kaso ang customs sa Department of Justice (DOJ).
Matatandaang sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ipinatitigil ang lahat ng uri ng smuggling at iba pang pandaraya o panloloko sa bansa batay narin sa Republic Act no. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.