Mariing itinanggi ng Bureau of Custom na may nararanasang port of congestion sa dalawang pangunahing pantalan sa bansa.
Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, nasa 86 hanggang 88 percent ang port utilization percentage sa Manila International Container Port at Port of Manila.
Binigyang diin ng opisyal na nagkakaroon lamang ng pagkaatala sa pagbababa ng mga kargamento tuwing masama ang panahon.
Sa ngayon aniya ay pinaghahandaan na ng mga terminal operator ang inaasahang pagdagsa ng mga kargamento dahil sa napapalapit na kapaskuhan.