Kumikilos na ang Bureau of Customs (BOC) upang makatulong sa pagpapaluwag ng Manila International Container Port (MICP) at Manila South Harbor.
Ayon kay Customs Commissioner Vincent Philip Maronilla, nakikipagtulungan na sila sa Department of Transportation (DOTr) at sa Inter-Agency Task Force (IATF) upang makahanap ng solusyon sa tambak na kargamento na hindi kinukuha ng mga may-ari dahil nahihirapang makapasok ang kanilang mga tauhan dahil sa checkpoints.
Aminado si Maronilla na nagkaroon ng delay sa pagproseso ng ilang kargamento dahil kinailangan nilang mag-shutdown ng operasyon matapos magkaroon ng isang positibo at person under investigation (PUI) sa kanilang hanay.
Batay sa datos, sa MICT pa lang ay nasa halos 3,000 containers ang hindi pa nailalabas kaya’t nanganganib umano itong magsara muna.
We really have to shut down the port para madisinfect, at mai-work-from-home ‘yung mga ports na ‘yon, and nagkaroon po kami ng emergency measure, contingency measure d’yan. Nagkaroon ng konting delay pero inaayos na namin ‘yan, in fact, today, we are planning to override the entire system just to fast-track the entire release of those spending,” ani Maronilla. —sa panayam ng Ratsada Balita