Pinaigting ng Bureau of Customs ang operasyon laban sa pekeng COVID-19 related products.
Ayon kay customs spokesperson assistant commissioner Vincent Philip Maronilla, tiniyak niya ang mahigpit na koordinasyon sa Department of Health (DOH) upang masiguro ang regulasyon kontra sa pekeng COVID-19 related products.
Bukod dito, hindi sumailalim sa verification process ang naturang produkto na posibleng makaapekto sa kalusugan ng publiko.
Magugunitang may mga insidente na nahuli ang ahensya tulad ng face mask at mga gamot kontra COVID-19 na hindi sumailalim sa pagsusuri.—sa panulat ni Airiam Sancho