Nag-donate ang Bureau of Customs (BOC) ng mahigit 700 forfeited vehicles upang makatipid ang gobyerno sa pagbili ng mga bagong sasakyan.
Ayon kay Customs Assistant Deputy Commissioner Jet Maronilla, ang mga nabanggit na sasakyan ay nasabat mula sa Port of Aparri sa Cagayan noong 2013.
Matatandaang nagpalabas ng Executive Order 156 si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo noong 2002 na nagbabawal sa pang-angkat o importasyon ng mga segunda-manong sasakyan.
Kabilang naman sa mga nakinabang sa donasyon ay ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Presidential Security Group (PSG), at iba pang sangay ng gobyerno.