Nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa posibleng pagkalat ng mga smuggled at pekeng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa BOC, ang kanilang hakbang ay batay sa pahayag na inilabas ng Europol at US Department of Homeland Security hinggil sa pagkalat ng mga pekeng bakuna sa merkado.
Paliwanag ng BOC, organisadong crime groups umano ang nasa likod nito.
Sa huli, paalala ng BOC, dapat patuloy na magbantay ang publiko, at agad na magreport sa pamahalaan kung may ibinibentang bakuna kontra COVID-19.