Naghahanda na ang Bureau of Customs (BOC) para simulan ang pagsubasta sa mga puslit na asukal na nakumpiska sa magkakahiwalay na raid sa mga bodega kamakailan.
Ayon sa ahensya ang pagsusubasta ay bahagi ng proseso na maibenta ng mas mura ang produkto sa merkado para magkaroon ng dagdag na supply.
Sa ngayon, hinihintay na lang ng boc ang tugon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) para sa floor price na gagamitin sa pag-auction ng nasabing produkto.
Binigyang-diin naman ng ahensya na hindi papayagang sumali sa subasta ang mga negosyanteng sangkot sa mga nakumpiskang asukal.