Naghain ng Administrative Complaint ang Bureau Of customs sa Korte Suprema laban kay Manila RTC Branch 1 Judge Tita Alisuag dahil sa pagpapahinto nito sa pagsalakay at pag-i-inspeksyon sa cigarette warehouse ng Mighty Corporation.
Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, isang uri ng “gross and deplorable” conduct ang ginawa ni Alisuag matapos nitong mag-issue ng Temporary Restraining Order na nagbabawal sa mga BOC personnel na mag-inspeksyon sa storage facilities ng Mighty.
Malinaw anyang pinanigan ng hukom ang naturang kumpanyang sangkot sa kontrobersya kung saan ipinag-utos kamakailan ang pag-aresto sa may-ari nitong si Alexander Wongchuking dahil sa economic sabotage.
Kinuwestyon din ni Faeldon ang kapangyarihan ni Alisuag na mag-issue ng injunctive order gayong may inilabas na circular ang Office of the Court Administrator noong 2003 na nagbabawal sa mga RTC na magbigay ng TRO laban sa BOC.
By: Drew Nacino