Muling ipinaalala ng Bureau of Customs (BOC) na duty at tax free ang mga balikbayan boxes na naggaling sa ibang bansa,
Ayon sa ahensya, ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na mayroong valid passport mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay ikinukunsiderang Qualified Filipinos While Abroad (QFWA).
Bago mawalan ng tax ang balikbayan box, kailangan anila ay nagtatrabaho ang OFW at certified ng ilang ahensya ng pamahalaan.
Kailangan lamang magsumite ang sender ng information sheet na makukuha sa website ng BOC.
Para naman sa tax exemption, kailangan ay mayroong tax exemption endorsement mula sa Department of Finance.