Nakikipag-ugnayan na ang BOC o Bureau of Customs kay Senador Panfilo Lacson kaugnay ng isiniwalat nito sa kaniyang privilege speech.
Bunsod ito ng umano’y pagsubasta ng BOC sa MICP o Manila International Container Port sa mga shabu na nakumpiska ng mga awtoridad.
Ayon kay Customs Spokesman Atty. Erastus Austria, hindi shabu kung hindi tapioca starch o ang mga hindi nabubulok na harina ang kanilang isinailalim sa auction.
Giit ni Austria, mahigpit na ipinagbabawal sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tarrif Law ang pagsubasta sa mga ipinagbabawal na gamot.
Kasunod nito, handa ang Customs na tumulong sa isinasagawang imbestigasyon ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency para mapanagot ang sinumang nasa likod ng pag-aangkat ng iligal na droga sa bansa.