Nagtalaga ng bagong limang mga opisyal ang Bureau of Customs o BOC bilang bahagi ng major reshuffle sa ahensiya para mas mapaganda pa ang kanilang koleksyon.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, inilipat si dating port of Subic District Collector Carmelita Talusan bilang bagong district collector sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport kapalit ni Atty. Vincent Philip Maronilla.
Samantala, pinalitan naman ni Atty. Maria Liza Sebastian ng revenue collection monitoring group si dating surigao collector Lilibeth Mangsal na inilipat naman bilang bagong deputy collector for operations sa Port of Cebu.
Habang itinalagang bagong district collector ng Port of Zamboanga si Atty. Lyceo Martirez ng compliance monitoring unit kapalit ni dating Zamboanga Colletor Jesus Balmores.
Paliwanag ni Lapeña, inalis ang mga nasabing customs collector dahil nabigo ang mga itong maabot ang target ng ahensiya para sa pebrero.
Pinagpalit naman ng assignment sina dating NAIA Deputy Collector for Passenger Services Arsenia Ilagan at dating Port of Legaspi District Director Maria Lourdes Mangaoang.
Gayundin, itinalaga bilang bagong pinuno ng account management office ng BOC si Anti-Terrorism Council Program Management Center Director Jessie Cardona.