Nagtayo ng one-stop-shop (OSS) ang Bureau of Customs (BOC) sa NAIA para mapabilis ang pagproseso sa mga dumarating na personal protective equipment (PPE) mula ibang bansa.
Ayon sa BOC, ang OSS ay itinayo para tugunan ang agarang pag-release ng imported relief goods at medical supplies na binibigay bilang donasyon ng iba’t-ibang bansa. Gayundin aniya ang pagtugon sa mga katanungan ukol sa importation ng mga PPE’s at iba pang emergency goods.
Nabatid ng pamunuan ng BOC ang problema ng bansa kontra COVID-19 kung kaya’t agad na ipinag-utos ang agarang pagpapalabas ng mga naturang medical supplies para agad na magamit laban sa tumataas pang bilang ng mga nagpopositibo sa virus.
Samantala, sa mga katanungan ukol dito, mangyari lamang daw na makipag-ugnayan sa BOC NAIA feedback team sa numerong 0932-844-3390.
Sa panulat ni Ace Cruz.