Umabot sa 75.5 billion pesos ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) noong Oktubre ng kasalukuyang taon.
Nahigitan nito ang target revenue collection na 63.7 billion pesos para sa nasabing buwan.
Kumpara naman ito sa 56 billion pesos na nakolekta ng BOC sa kaparehong panahon noong 2021.
Ito na ang ika-10 buwan na naka-kolekta ang aduwana ng buwis na lampas sa kanilang buwanang target.
Samantala, umabot na sa 714.3 billion pesos ang koleksyon ng customs simula Enero ngayong taon kumpara sa 525.4 billion pesos sa kaparehong panahon noong nakaraang taon . —sa panulat ni Hannah Oledan