Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target collection nito ngayong Agosto.
Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, sumampa sa 60.524 billion pesos ang nakolekta ng BOC, 2.8 percent na mataas kumpara sa target na 58.849 billion pesos.
Ang halaga ay kasunod na rin ng record-high na single month collection ng BOC noong Hulyo na papalo sa 84.43 billion pesos.
Malaking tulong dito ang pagtaas ng importasyon sa bansa at pag-unlad ng halaga dahil sa pagsirit ng presyo ng langis at ibang bilihin. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)