Maituturing umanong record-breaking ang achievements ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay sa mga nakumpiskang kontrabando sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa datos ng BOC-NAIA, tinatayang nasa P370-milyong halaga ng mahigit 54-kilo ng shabu ang nakumpiska nila mula January hanggang December 2019.
Bukod sa shabu, nakumpiska rin ng BOC ang mahigit 4,000 tabletas ng ecstasy sa NAIA na nagkakahalaga ng halos P9-milyon.
Nakakumpiska rin ng Customs authorities ng 78 piraso ng cartridges ng liquid marijuana na nasa mahigit P800,000 ang halaga.
Nakumpiska rin ng BOC ang mahigit 42-kilo ng meat products na walang permit, 10 iba’t ibang uri ng baril, halos 100 piraso ng smuggled gun products, halos 400 piraso ng bala at mahigit 2,500 wildlife at endangered species.