Ido-donate ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC)- NAIA ang mga nasamsam nitong mga gadgets at iba pang electronic devices sa Department of Education (DepEd) para makatulong sa distance learning sa bansa.
Ito’y alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Guerrero na ibigay na lamang sa DepEd ang mga nakumpiskang gadgets bilang kontribusyon nito sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Kabilang sa mga ido-donate na gadgets at iba pang mga electronic devices ay ang mga sumusunod: mobile phones, computer monitors, hard drives, tablets, at iba pang mga kagamitan sa pag-aaral.
Kasunod nito, kumuha na ng mga clearances ang BOC sa National Telecommunication Commission (NTC) at Optical Media Board (OMB) para masigurong pumasa ang mga ito sa minimum standards at ligtas na ipagamit sa publiko.