Nagbabala sa publiko ang Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) hinggil sa paggamit ng kanilang pangalan para makapangikil.
Kasunod ito ng ulat na may ilang kawatan na gumagamit ng mga larawan at pangalan ng ilang mga opisyal at kawani para maningil ng malaking halaga ng pera bilang clearance fee kapalit ang paglalabas ng kargamento.
Ayon sa ahensya, hindi sila nangongolekta ng anumang buwis o bayarin, sa pamamagitan ng money remittance services o Online fund transfers.
Iginiit pa ng BOC-NAIA na ang pagbabayad ng duties & taxes sa customs ay ginagawa lamang sa pamamagitan ng mga Authorized Agent Bank o BOC cashiers, at dapat may kaakibat ito na official receipt.
Samantala, hinikayat naman ng BOC-NAIA ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa anumang katanungan o sumbong sa mga numerong: 0961-759-4067, 0961-759-4068, 0919-925-6785 at 0932-844-3390.