Ipinagmalaki ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang mataas na koleksyon nila sa pagsasara ng taong 2017.
Ito, kaya’t sila ang pumangalawa sa mga ahensya na may pinakamalaking koleksyon.
Ayon sa Customs Chief, nakakolekta sila ng mahigit sa apatnapu’t apat na bilyong piso (P44-B) nitong Disyembre na mas mataas ng mahigit tatlong bilyong pisong (P3-B) target nila para sa nasabing buwan.
Ngunit aminado si Lapeña na hindi pa rin nila naabot ang kanilang target na mahigit apatnaraang bilyong piso (P400-B) o mas mababa ng 2.2% para sa nagdaang taon.
Bagama’t may sampung bilyong pisong (P10-B) deficit pa ang Bureau of Customs o BOC sa kanilang koleksyon, sinabi ni Lapeña na patuloy ang kanilang pagsusumikap na maabot ang kanilang target revenue collection sa taong ito.