Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang halos P35-M na halaga ng sigarilyo.
Ayon sa BOC ang two moon brand ng sigarilyo ay misdeclared bilang furniture at blinds na inilagay sa dalawang container.
Ang mga kargamento ay dumating mula sa China nuong April 27 at May 1 at naka-consign sa Vierport International Companies at Anikas Will Industry Corporation.