Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang tanggapan sa port of batangas ang isang marine vessel dahil sa pagtangkang pagpuslit ng asukal noong sabado.
Natagpuan ng ahensya sa sasakyang pandagat na MV Sunward ang dalang 4,000 metric tons ng Thailand white refined sugar.
Walang pinakitang notice ang pagdating ng barko sa contiguous zone ng Pilipinas gayundin ang pag-import ng asukal. - sa panunulat ni Maze Aliño- Dayundayon.