Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang mga pekeng signature goods matapos ang ikinasang raid sa isang warehouse sa Binondo, Manila.
Ayon sa ulat ng ahensya, target nila ang mga nakaimbak na pekeng produkto na may popular na tatak kung saan ilan sa nakumpiska ang mga dior face mask at hello kitty pajamas.
Kasunod ito ng natanggap na report ng BOC na may itinatagong mga pekeng produkto sa nasabing warehouse.
Samantala, itinuturing ng BOC na malinaw na paglabag sa Intellectual Property Rights (IPR) at Customs Modernization and Tariff Act ang naturangaksyon. —sa panulat ni Airiam Sancho