Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs o BOC ang higit P4.72-M smuggled na gulay sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa lungsod ng Malabon.
Ayon sa imbestigasyon, natuklasan ang pitong reefer van na ginamit bilang pansamantalang cold storage.
Tatlo mula sa nabanggit na mga sasakyan ang naglalaman ng mga smuggled na broccoli, carrots, red onion at iba pang imported na mga produkto habang ang apat na van ay walang laman.
Samantala, sinelyuhan at ikinandado ng awtoridad ang nasabing bodega upang masiguro na hindi magagalaw ang mga nadiskubreng mga smuggled na produkto.—mula sa panulat ni Airiam Sancho