Nagsanib puwersa na ang mga tauhan ng Bureau of Customs at Philippine National Police-Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU)-11 matapos tumaas ang bilang ng mga nabibiktima na tinatawag na “Online Love Scam.”
Layunin ng hakbang na maipalaganap ang impormasyon para balaan ang publiko laban sa kumakalat na Online Fraudulent Scheme.
Sa datos ng BOC-Davao Port-Public Information and Assistance Division, hanggang nitong buwan ng Oktubre, umabot na sa 100 indibidwal ang naitalang biktima ng Scam sa Davao Region.
Karamihan sa mga nabiktima ay mga dayuhang nagbayad ng malaking halaga ng pera na aabot sa P35K matapos makatanggap ng text at email para sa matatanggap nilang kargamento o package mula sa mga hindi pa nakikilang salarin.
Base sa impormasyon, dadating umano sa kanilang address o bahay ang mga kargamento na kailangan namang bayaran ng mga nabiktima ang presyo na kanilang natanggap na parcel.
Sa ngayon, patuloy pang nag-iimbestiga ang mga otoridad para alamin ang mga nasa likod ng pangloloko.