Target ng Bureau of Customs (BOC) na maipadala na agad ang mga nakatenggang balikbayan boxes na ipinadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) para sa kanilang pamilya bago mag-pasko.
Ito ang tiniyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na personal na ipadadala ang mga balikbayan box ng libre sa mga tahanan.
Maaari rin aniya na makipag-ugnayan sa ahensya kung nais na agad makuha ang nasabing box.
Payo naman ni Ruiz na hintayin lamang ang mga balikbayan box dahil maaari itong abutin ng isang linggo kung nakatira sa Metro Manila.
1-2 linggo naman sa mga nasa Luzon habang 2 hanggang 4 na linggo sa Visayas at Mindanao.
Nabatid na nasa 800 balikbayan boxes ang ipadadala ng BOC sa mga pamilya ng OFWs ngayong araw.