Tukoy na ng Bureau of Customs (BOC) ang passenger carriers na may bitbit ng milyon-milyong dolyar sa pagpasok sa bansa.
Ayon sa intelligence division ng BOC, tugma rin ang halagang ini-report nila sa anti-money laundering council sa ibinunyag na halaga ni Senador Richard Gordon.
Mahigit di umano sa $160-M ang naipasok ng ilang Chinese nationals sa bansa mula lamang Disyembre ng nakaraang taon hanggang Pebrero ng taong ito.
Tiniyak ng BOC na nakikipag tulungan na sila sa AMLC, Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang intelligence at law enforcement agencies upang masugpo ang paggamit sa bansa sa money laundering.