Naglunsad ng consultative meeting ang Bureau of Customs at US Embassy-Manila Special Operations Command Pacific Indo-PacCom Augmentation Philippines Information Team upang paigtingin ang kooperasyon at pagbabantay sa border ng dalawang bansa.
Tinalakay sa pulong ang mga oportunidad ng Pilipinas at US upang palakasin ang law enforcement, maritime operation, imbestigasyon at paggamit ng mga makabagong teknolohiya.
Dumalo sa meeting sina Customs Commissioner Bienvenido Rubio, Deputy Commissioner Teddy Raval, mga hepe ng iba’t ibang dibisyon, E.S.S., Financial Management Office, External Affairs Office at Interim Training Development Division.
Sa panig ng Amerika, dumalo naman si Jason Perez, Officer-in-charge ng Special Operations Command Pacific at Patrick Braun, hepe ng Information Support Team.
Isinusulong ng Aduwana ang pagpapatibay ng relasyon nito sa iba’t ibang ahensya upang mas mapaganda ang naihahatid nitong serbisyo sa bansa.