Isusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang obligadong paglalagay ng body camera ng mga awtoridad sa drug raids.
Sa gitna na rin ito ng mga batikos sa pagkakapaslang sa 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos na umano’y nanlaban sa mga awtoridad sa isang drug operations sa Caloocan City.
Sinabi ni Gatchalian na isang powerful tool ang camera para matiyak ang transparency sa drug raids.
Ang mga footage aniyang makukuha sa body camera na ginamit ng mga pulis ang magpapatunay kung nilabag ba ng mga awtoridad ang kanilang tungkulin na pagsilbihan at protektahan ang sambayanan.
Ayon kay Gatchalian isasama niya sa panukala ang pag atas sa mga pulis na i-record ang kabuuan ng anti-drugs operation mula deployment hanggang sa target at katapusin o resulta ng misyon.
By Judith Larino
SMW: -RPE