Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) ngayong linggo ang paggamit ng “body cameras” sa mga anti-drug operations sa Metro Manila upang tiyakin na walang malalabag sa karapatang pantao.
Ayon kay Maj. Gen. Angelito Casimiro, direktor ng PNP Directorate for Logistics, lahat ng mga miyembro ng drug enforcement units ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay kakabitan ng security gadgets simula Miyerkules, ika-24 ng Pebrero.
Sinasabing sumalang na sa dalawang araw na pagsasanay ang mga pulis ukol sa tamang paggamit ng body cameras, kabilang pag-download ng videos mula rito.
Matatandaang bumili ng 2,686 body cameras ang PNP na nagkakahalaga ng higit P288 milyon para sa 269 police units sa buong kapuluan.