Isinusulong ni Angkla Partylist Representative Jessy Manalo ang batas kaugnay ng paglalagay ng mga body cameras sa mga pulis na nagsasagawa ng raid operations.
Ito ay kasunod na rin ng insidente ng pagkakapaslang kay Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 na iba pa sa isinagawang search warrant operasyon ng PNP o Philippine National Police sa tahanan ng alkalde.
Ayon kay Manalo, ang mga videos na makukuha sa nasabing camera ay maaaring magamit na ebidensiya para malaman kung may mga pag-abuso ang mga pulis nagsasagawa ng mga operasyon.
Aniya, maaari rin gamitin sa imbestigasyon isusulong ng National Bureau of Investigation (NBI), National Police Commission (NAPOLCOM), tanggapan ng Ombudsman at Commission on Human Rights (CHR) sa mga reklamong posibleng isampa laban sa mga pulis.