Handang-handa na ang Bohol na tanggapin ang mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na gaganapin ngayong linggong ito.
Ayon kay Bohol Governor Edgar Chatto, excited ang kanilang lalawigan dahil ito ang unang pagkakataon na magho-host sila sa ASEAN.
Maliban dito, ipinabatid ni Chatto na handing-handa rin ang Bohol sa iba pang mga turista dahil sa balik na aniya ang sitwasyon sa lalawigan matapos ang nangyaring engkwentro ng militar at Abu Sayyaf Group sa Inabanga na malayo naman sa mga tourist destination ng Bohol.
“Mapaalam sa lahat ng mga Pilipino pati na ang mga dayuhan na nasa Pilipinas, we would like to invite them again to Bohol, we are business as usual in the province, there were minors challenges a few ago but we were able to prevent the entry of forces that will destroy the peace of the province, tuluy-tuloy ang ating ASEAN Summit, we hope and pray that this will be a major contribution to the success of the hosting of the Philippines for the summit of 2017, which is very historic dahil ito ay 50th year of the ASEAN, and Bohol would definitely want to contribute to its success of course under the leadership of the President as the host country of 2017 ASEAN Summit.” Pahayag ni Chatto
Samantala, nagsipagbalikan na sa kanilang mga bahay ang mga residente ng Inabanga sa Bohol na nagsilikas matapos magkabakbakan ang militar at Abu Sayyaf Group sa naturang lugar noong isang linggo.
Ayon kay Governor Chatto, may mangilan-ngilan na lamang ang nananatili pa sa evacuation centers dahil sa takot na idinulot ng insidente.
By Ralph Obina | Karambola (Interview)
Bohol handang-handa na sa ASEAN Summit was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882