Isinailalim sa state of calamity ang isang bayan sa Bohol dahil sa nararanasang El Niño.
Mula noong ng Enero pa lamang ay nararanasan na ng bayan ng Candijay ang matinding tagtuyot.
Batay sa report, halos 2,000 magsasaka na ang naaapektuhan.
Ayon naman sa sangguniang barangay, isinailalim sa state of calamity ang lugar para magamit ng lokal na pamahalaan ang emergency fund.
Gagamitin naman ito para tulungan ang mga apektadong magsasaka.