Naka-full alert na ang buong lalawigan ng Bohol para sa hosting ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit meetings na nagsimula kahapon at matatapos sa Sabado, April 22.
Ito’y upang matiyak ang seguridad ng tinatayang dalawandaang (200) ranking delegates mula sa member-countries ng ASEAN na nagsimula ng dumating sa Bohol para sa serye ng trade meetings.
Tinatayang apatnalibong (4,000) pulis, sundalo at iba pang law enforcement units ang idineploy upang tumutok sa ASEAN Meetings sa Bohol.
Ayon kay Police Regional Office-Central Visayas o PRO-7 Director, Chief Supt. Noli Taliño, bantay-sarado na nila ang paligid ng Hennan Resort sa Barangay Tawala, sa isla ng Panglao kung saan isinasagawa ang pulong.
Tinututukan na rin anya nila ang mga ruta mula pantalan at paliparan hanggang sa mga hotel.
Samantala, nagpapatuloy ang pagtugis ng militar at pulisya sa pito (7) pang miyembro ng Abu Sayyaf na kabilang sa mga nakabakbakan ng mga tropa ng gobyerno sa bayan ng Inabanga.
By Drew Nacino
Bohol naka-full alert para sa ASEAN meetings was last modified: April 19th, 2017 by DWIZ 882