Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang ilang bahagi ng bohol kagabi.
Batay sa talaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong siyam na kilometro timog-silangan ng bayan ng Anda.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 12 kilometro mula sa episentro nito.
Dahil diyan, nakaramdam na intensity 3 na pagyanig ang Tagbilaran City at mapalad namang walang naitalang pinsala sa mga istruktura sa lugar.