Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Bohol kaninang alas-8:43 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology natukoy ang sentro ng lindol sa layong 2 kilometro timog-silangan ng bayan ng Lila.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 521 kilometro.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang lindol ngunit inaasahan ang aftershocks.
By Ralph Obina