Tuloy na ang retirement ni Juan Manuel ‘Juanma’ Lopez bilang boksingero.
Ang Puerto Rican star ay 15 taong professional boxer at sumabak sa 43 professional fights.
Kabilang sa highlight ng karera ni Lopez ang pagbulsa sa titulo sa dalawang division sa 122 at 126 pounds.
Mula sa pagiging amateur boxer kung saan namayagpag si Lopez bilang pambato ng Puerto Rico sa 2004 Athens Olympics hanggang taong 2005 sa kaniyang boxing debut nang magtala ng sensational first round knockout laban kay Luis Daniel Colon.
Nabatid na hanggang 2008 ay nagningning ang boxing career ni Lopez hanggang sa maagaw niya ang korona nang ma-knock out ang Mexican champion na si Daniel Ponce De Leon.
Inabot pa ng limang beses ang tagumpay ni Lopez para madepensahan ang kaniyang titulo.