Kumbinsido ang OCTA Research Group na magiging epektibo ang pagtatanggal ng Face Mask sa outdoor places kung tuluyan itong maipatutupad.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, mas mababa ang antas ng hawaan sa outdoor kumpara sa indoor places.
Hindi rin anya ganoong maaapektuhan ang mga numero sa unang linggo ng magiging implementasyon nito dahil patuloy na bumababa ang daily new cases.
Gayunman, ipinunto ni Ong ang kahalagahan ng pagpapatupad ng preventive measures upang makontrol ang galaw ng tao.
Pinayuhan naman ni Ong ang publiko sa oras na maging epektibo na ang kautusan ay iwasang lumabas kung nakararanas ng sintomas ng sakit.