Pabor ang ilang eksperto sa rekomendasyong gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face shield dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Vaccine Expert Panel Member Dr. Rontgene Solante, maaaring bigyan ng pagkakataon ang publiko na magdesisyon kung magsusuot ng face shield o hindi.
Dagdag ni Solante, sa pagbaba aniya ng kaso ng virus, pwede nang ibase sa publiko ang kanilang magiging desisyon ukol dito.
Karamihan naman aniya sa mamamayang Pilipino ay nabakunahan na kontra COVID-19.
Subalit, iginiit ni Solante na kailangan pa rin sumunod ng publiko sa mga health at safety protocols na ipinapatupad ng pamahalaan.
Lalo na’t aniya ipinatupad na ang 70% na kapasidad sa mga pampublikong sasakyan.—sa panulat ni Hya Ludivico