Nadiskubre ng militar ang isang bomb-making facility sa Barangay Andavit sa Datu Salibo, Maguindanao.
Ito ay hinihinalang pagmamay-ari ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Ayon kay Capt. Jo-Ann Petinglay, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, inabandona ng BIFF ang nasabing pasilidad noong Martes.
Naiwan naman ng mga rebelde ang ilan sa kemikal sa paggawa ng bomba tulad ng ammonium nitrate.
By Meann Tanbio