Patay ang kilabot na bomb maker at instructor ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na si Ebrahim Ali sa Maguindanao kagabi.
Ito’y makaraang manlaban umano sa mga awtoridad ang suspek na si Ali na kabilang sa Karialan Faction ng BIFF nang maaresto ito sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa nasabing lalawigan.
Ayon kay ARMM Director Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac, bumunot umano ng baril si Ali mula sa kanyang sling bag dahilan para paputukan siya ng mga humuling awtoriodad.
Ipinaaaresto si Ali dahil kabilang ito sa arrest order number 2 ng Department of National Defense o DND sa ilalim ng Martial Law sa Mindanao dahil sa kasong rebelyon.
By Jaymark Dagala | (Ulat ni Jonathan Andal)