Arestado ang isang hinihinalang bomb maker ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa ikinasang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Zamboanga City.
Kinilala ang suspek na si Benjar Idarus Engeng alyas ‘Ben Akmad’ na tubong Isabel, Basilan at nadakip sa tinutuluyan nitong pension house sa Barangay Putik.
Ayon kay Zamboanga City Police Chief Senior Superintendent Vince Neri Ignacio, isang eksperto sa paggawa ng bomba si Engeng, batay aniya sa kanilang narekober na improvised explosive device (IED) mula suspek.
Mariin namang itinanggi ng suspek na isa siyang Abu Sayyaf member at hindi din aniya siya ang gumawa ng narekober na IED.